August 2011
20 posts
Because I’m a proud member. :D This is just awesome. :3
nina dami mo na ata org, loaded k n ata. kaya mo p b? as long n ndi maapektohan subject mo. pero time demanding mga org and you can’t reuse. isipin mo muna mabuti.
Matagal-tagal ko ding pinag-isipan ang isasagot ko dito. Actually two days ago pa to sinend sa kin.
Ang corny lang, third year na ko, nagpapaalam pa kong sasali ako ng org. Bakit? *WARNING: ang susunod ay pagsasalaysay ng aking pathetic org life.*
1st Year, 1st Sem: Org #1. Medyo may pagka-religious sya. Medyo gusto kong sumali sa YFC-ish or the likes of nung panahon na yun kaya nung matagpuan ko ang Org #1, naging interesado agad ako. Instant mem nga eh, walang sig sheet, formal interview, etc. Biglang isang araw nalaman ko na lang na mem na pala ko. Ok na sana, kaso biglang sabi ni Papa third year na daw ako mag-org.
1st Year, 2nd Sem: Org #2. Provincial. Since first sem, pinapasali na ko dito ng tita ko. Sakto namang ininvite ako ng dorm mate ko. Ok naman, kaso bigla akong nagkasakit for one or two weeks. Feeling ko madami na kong na-miss, at sobrang kelangan kong mag-catch up sa Acads. Lalo na sa Chinese—integ so everyday ang klase. Ibig sabihin, sobrang daming sessions ko nang namiss.
Org #3. Dream org. Hanggang orientation lang ako dahil saktong week after nga, nagkasakit ako. Ginusto kong bumalik pero medyo nag-doubt na ko kung kakayanin ko.
2nd Year, 1st Sem: Org #2. Ang pagbabalik. Ayos naman, gustong-gusto ko nga ang co-apps ko. Ang problema lang, sig sheet at tambay hours. Sobra-sobrang chance na nga yung ibinigay sa kin pero…napag-desisyunan ko nang baka naman hindi talaga ako “org person”.
Org #4. Actually sabay akong nag-apply dito at sa Org #2. Ok din ang co-apps. Sumali ako dahil gusto kong makilala ang iba pang mga tao sa department. Ne-enjoy ko naman yung get-up, actually yun yung pinaka-nagustuhan kong part. Kaso di ako naka-attend ng talents night, wala akong napapirmahan ni isa sa sig sheet. Ni hindi nga problema ang tambay hours dahil wala namang tambayan. Di na kami nakapag-buddy date. At syempre nahiya na kong magpakita sa FI. Ang kapal naman ng mukha kong kung bigla na lang akong susulpot dun.
2nd Year, 2nd Sem: Org #5. Actually, nung panahong yun, hindi pa recognized as org. Parang kami yung “pioneer members”—na-conceptualize na sya dati pero di nag-materialize. Ito na ata yung org na pinaka-mabilis lusutan—wala nang app process, pero invitational at that time. At binabawi naman sa events…medyo may pagka-academic ang org na to. Masaya dahil na-aapply namin ang mga natututunan namin, at feeling ko para naman ito sa ikauunlad ng bansa. Hindi to org na basta-basta lang.
Which brings us to the present: 3rd Year, 1st Sem: Org #5. It’s official—org na kami. Ito na ang unang org ko sa college. At nga pala, ang point nga pala ng pagsasalaysay ko ay ito lang ang ipinagpaalam (inaprubahan ni papa) kong org. Remember? 3rd Year na lang daw ako mag-org, at saktong 3rd year na ko nang officially magka-org ako.
“Org” #6: Actually, ito talaga ang unang dream “org” ko. Kumbaga first love. First year palang, ginusto ko nang sumali. Nabanggit ko kay papa noon ang intensyon kong sumali dito. Pero pinanghinaan ako ng loob ng parang hinint na din sa kin na hindi ko kakayanin. Nanatili akong fan hanggang dumating na nga ang 3rd year 1st sem kung san nagkayayaan kami ng kaibigan ko. Sa mga nakaraang taon, wala akong ginawa kundi i-encourage ang iba na sumali…hindi ko man lang naisip noon na baka deep inside, naghihintay ako na may iba namang mag-encourage sa kin na ako mismo ang sumali. Tinignan ko na ito bilang isang long shot na dream…hindi ko kaya. Wala akong experience. Pero ayun, nagkayayaan…at kung alam mo lang kung ilang minuto kaming nagtulakan…nag-isip kung tutuloy ba kami. Pero tumuloy na din kami. The happiest almost 2 or 3 months of my life. Pero syempre hindi naman puro happiness lang. May kasamang pagod, frustration, sakripisyo…pero worth it naman. Sobrang na-enjoy ko ang company ng co-apps ko…at ng seniors.
Pero in the end, hindi din ako nakapasok. Kasalanan ko naman…hindi sapat ang inilaan kong oras, effort. Kulang na kulang. At ang point ay hindi ko to ipinagpaalam. Alam ko na ang sasabihin ni mama—pipigilan nya ko. Si papa naman, kung ikukuwento ko sa kanya ang buong “Org” #6 experience ko alam kong sasabihin nyang, “Yan, di ka kasi nagpapractice.”
Pero gustong-gusto ko to. Sa lahat ng orgs na inapplyan ko, ito ang minahal ko talaga. First love never dies? Gusto kong bumalik.
pero time demanding mga org and you can’t reuse. isipin mo muna mabuti.
Aaminin kong isa akong masamang estudyante. Hindi palaaral, hindi mahilig sa readings…palaging late/absent…may problema sa time management. Pakiramdam ko I have all the time in the world dahil sa schedule ko ngayon pero at the same time, feeling ko kulang na kulang ako sa oras.
isipin mo muna mabuti.
Gustong-gusto ko to, siguro yun na rin ang dahilan kaya ipinagpaalam ko na sya ngayon. Kelangan ko lang ayusin ang buhay ko. Desidido na ko pero
isipin mo muna mabuti.
laban ng Maroons against FEU sa Araneta